sábado, septiembre 23, 2006

I'm a Survivor! ;p

YOUR SCORE: 66


What your score means


Jennylyn Mercado -- Isa kang Ultimate Survivor! Congratulations dahil nakamove-on ka na talaga! Wala nang ni katiting na galit o hinanakit sa dibdib mo bagkus kapatawaran and a possible new lovelife in the making. You bid your time para maka-move on. Pinagdaanan mo lahat ng levels of Survival: Mourning Stage, Acceptance, Letting Go, Moving On, and finally Survival Stage. (O diba bongga, may mga stages talaga? Panalo sa research!) And once you've moved on, you finally let go of the past and what matters to you now is your present and future. At dahil dyan, kokontakin ka na ni Mel Tiangco para maisadula ang buhay mo sa "Magpakailanman" upang magsilbing inspirasyon sa ibang tao. Tapos magiging sikat ka na, mai-interview sa S-Files, at magge-guest sa SOP kaduet si Dingdong Dantes/Ruffa Mae Quinto. Syempre later on lalabas ang secret sex video mo at sisikat ito bilang "Tayuman Scandal"
Congratulations! Dahil dyan, kumanta ka ng "I'm a survivor, I'm not gonna give up" habang kumekembot-kembot na kagaya ni Beyonce.




nakanangt0ots!! talaga nga palang nakapagmove-on na ako! at buti naman. DAHIL HINDI SIYA ANG LALAKING PAGAAKSAYAHAN KO NG PANAHON NOH!? HE'S NOT WORTH IT! sana nga lang masaya na siya sa buhay niya ngayon. i thank you. *b0w*






ala lang. papampam lang.





from:

viernes, septiembre 08, 2006

Revelation of My Realization

Letting Go of the Past. . .


Oo. And it's been a while. In fact, magti-3 months na mula nang magbreak kami ni "yun na yun". I must say, that was really a bitter break-up. But that was over. I guess. Was (or is) it really over?

Maybe. Siguro. Baka. Perhaps. Probably. or... Oo?

Hindi ko rin naman maitatanggi sa sarili ko na SOBRA ko talaga siyang minahal. Kahit na sabihin pa natin na "he's not worth it", pero anong magagawa ko... mahal ko eh! (ang martir noh?!) At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, naging ganito ako ngayon. Masakit man isipin (o balikan) yung mga hindi magandang bagay na nangyari sa amin, pero laking pasasalamat ko pa rin sa Itaas na nakilala ko "siya". Anu't ano pa man, isa pa rin siyang malaking biyaya para sa akin.

Oo, aminado ako na martir ako pagdating sa kanya. Pero pag nagmamahal ka kasi ng totoo sa isang tao, yung mga bagay na hindi mo naiisip na magagawa mo e nagagawa mo. Bottomline is, I'VE HAD ENOUGH. It's too much. I have really learned a lot from loving him. So from now on, I can say that IT'S OVER. Memories (good or bad) will still remain in my heart and mind but my feelings, as time passes by, will soon fade away. Tutal napatawad ko naman na siya. Siguro naman sapat na batayan na iyon para tuluyan na akong makapagmove-on. At masaya na rin ako sa kung anong buhay ang meron siya ngayon. As I move towards the future, gagawin ko pa ring batayan ang mga pagkakamali ko para maisatama ang lahat.

Marahil nga ay unti-unti pa ring naghihilom ang sugat. Sa paglipas ng panahon ay haharap ako sa panibagong bukas na masaya at matatag. At higit sa lahat, naging malakas ang kapit ko sa faith ko sa Itaas dahil alam kong sa kabila ng lahat, nandyan lamang Siya sa tabi ko bilang sandigan sa lahat ng bagay.

Sa ngayon, masaya at kuntento ako sa kung anong buhay meron ako. Hindi ko naman minamadali ang lahat eh... kahit na sabihin pa nating iniimpluwensya ako ng ibang tao sa paligid ko. Time will come. And in His time, makikilala ko rin "siya". Pero hindi ko naman sinasarado ang puso ko eh! At least, sa susunod, alam ko na ang gagawin ko, dahil na-realize ko na pinakaimportante pa rin sa lahat ang MAG-ISIP NG MABUTI. Hindi yung padalos-dalos lang. Kasi, kung magpapadalos-dalos ka nga lang, IKAW DIN ANG TALO.

IT'S OVER. And I thank God for that.















(from my journal)

viernes, septiembre 01, 2006

Awit Para sa Kanya (i)

Pagpupuri

I.

Sa simoy ng hangin aking napagtanto
Tunay ngang dakila ang mga biyaya Niyo
Sa pag-agos ng ilog aking nadama
Pusong dalisay at mapagkalinga

Sa pag-ibig Niyo wala nang hihigit pa
Sa pagpupuri, ako ay payapa

*Sambahin ka Panginoong Hesus
Sa kaluwalhatian Niyo
Ako'y lumalapit sa Inyo
Sambahin ka o dakilang Diyos
Ang lahat ay iaalay sa Inyo

II.

Sa pagsibol ng dilim Inyong hinarang
Sakim na puso't kalul'wang hibang
Hindi Ninyo hinayaang kami'y malugmok
Sa kumunoy ng mga pagsubok

Sa pag-ibig Niyo wala nang hihigit pa
Sa tuwina, ako ay payapa


_082706_

sábado, agosto 19, 2006

Beam of the Limelight

The silence of your animosity haunts my senses;
its turbulent sound causes me to step out of
the beam of the limelight. Your way of loving me
also means having to look back on the ticklish
life that I used to live.

I love you yet I no longer want to love you
I miss you yet I no longer want to see you

Oh God, why can't I forget thee?
Oh God, how can I show it to thee?
If shadows of malevolence haunts me on and on?

My dreams are getting brighter, as if Monroe's
coming my way. And the exquisiteness of the stars --
thinking I'm one of them, in the midst of constellations.

But wait... there's more!

The silence of your animosity haunts my senses;
its turbulent sound causes me to step out of
the beam of the limelight.

Is there anything that I should ask for?




_080706_

Halik

nilantak ng kahayupan
ang mga pasakit sa ating lalamunan.
sa paghalili ng tamis
ng ating mga labi, anu't ano'y ikinukubli
naman nito ang tigang sa sandali.

sa puntong ito lamang masasaksihan
ang ating dakilang kasaganahan.
bakit kailangan pang magpanggap
kung ang pagsinta ng bawat isa'y
inihuhulma naman ng pusong matiwasay?

pagpapanggap.
pagtigang.

init ng pagsinta.
uhaw na sandali.

magpapatumpik tumpik pa ba?




_080706_

Isang Pagpupugay sa Pakikipagsapalaran kay Kamatayan

"Ligtas na ba ako?"
Oo. Pero huwag kang pakasiguro.

"Tapos na ba kamo?"
Oo. Pero panandalian lamang ang lahat.

"Hindi na ba mauulit ito?"
Oo. Sa ngayon.

Pasakit na pilit nilabanan
Na para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan

Hanga ako.
Ngunit pasensya na, sadyang walang permanente sa mundong kinatatayuan mo.

Takasan mo man ang katapusan,
Anu't ano pa ma'y susundan ka parin ng anino ni kamatayan.

Ayan. Ayan na nga bang sinasabi ko e!

Tik.
Tak.
Tik.
Tak.


Wala na. Ubos na ang oras mo.




_072706_

lunes, julio 24, 2006

Tula(la)

Lapis.
Papel.
Utak na hinahangin,
at...
Mga matang walang kurap.





_072406_

Kumpesyon ng Isang Mariposa

.




Naaalala ko pa ang mga panahong
nagsasaya pa ako sa
liwanag ng musika; isang bagay na
kumakandili sa aking pagkakakilanlan.

Mga huni ng ibon at agos ng ilog –-
isang mayuming pagmamalasakit
sa biyaya ng Maykapal
na Siya ring nagbigay buhay
sa mga supling ng kamunduhan.

Laking pag-iingat na bigyang kulay ang
mga bagay na lubos kong nakatkatawa.
Ngunit sa tuwina’y isang payapang
paghihikahos ang sumasapaw sa mga pangarap
ng isang supling ng Liwanag.

Mga aninong nangingibabaw sa ramanam ng
sarap ng halina ng musika;
pilit man nilang putulin ang lubid ng
aking sapi-sapi, sisiguruhin pa rin na maiangat ito
sa kayumihan ng kalawakan.

Paghangad ko lamang
na dumating ang panahon kung saan
mailabas ko ang mga pakpak ng pagpasiya
kasabay ng mga anghel –-
(na kumakandili sa aking pagkakakilanlan).



_072306_

Larawan (ng Nakaraan)

Lovely?
Hindi siguro.
Gorgeous?
Masyadong mayumi.

Ikubli ang larawan ng iyong halik
Oh please, don't make my life miserable!
Pansamantalang isantabi ang poot sa iyong kalooban
I'm begging you, get out of my sight!

Matang titig na titig sa mukha ng kompyuter
Nagpupumilit na balewalain ang lahat

But I'm sorry, I can't help it.
I must admit, it feels like HELL.

Mga linyang umaalingawngaw sa isipan
"So happy in love... just like the Beauty and the Beast."

Suntok sa puso?
Oo. Malamang.

Tik tak. Tik tak.
Wala na. Nakakulong na sa anino ng alaala.



_071806_

Pagninilay-nilay sa mga Aspeto ng Wikang Filipino

ala... project ko lang ito sa Filipino. aynak0w! ang magaling sa si Sir Atalia... sadya atang may toyo lang yun sa utak. -^-


Kung iisipin natin, saan nga ba nagmula ang wika? Paano ito nagsimula? Hulog ng langit? O di kaya'y nanggaling ito sa kailaliman ng lupa at nabungkal lang ng mga sinaunang tao? Maraming mga teorya ang nagsipaglabasan -- may magkakapareho, may magkakasalungat. Ngunit bukod pa rito, isa pang importanteng katanungan ang hanggang ngayo'y naglalaro pa rin sa isipan ng mga tao. Gaano nga ba kahalaga ang pagbuo ng wika sa sangkatauhan?



Ayon kay Bob Ong (Stainless Longganisa, 2005), napagtanto daw ng ilang scientists na nag-umpisa raw ang wika (o lenggwahe) sa mga natural na galaw ng bibig. Sabi naman ng iba, natuto lang daw tayo gumaya sa mga tunog sa kapaligiran. Meron ding mga nagsasabing posibleng ang pagsasalita raw natin ay dulot lang ng mga natural nating reaksyon kung natutuwa o nagugulat. Kung sino naman ang mga scientists na ito ay hindi ko na alam. Ang akin lamang, isa na rin itong malaking bagay upang kahit papaano, maliwanagan na rin ang magugulo nating utak.



Wikang Filipino. Ang ating wikang pambansa. Ayon sa mga pag-aaral, noong unang panahon pa lamang, bago dumating ang mga Kastila ay may sarili na daw tayong wika. Ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng ating mga mananakop, nagiba-iba na ang nilalaman at takbo ng wikang Filipino sa sangkatauhan.



Malaki na rin ang pinagbago ng ating panahon. Kung tutuusin, napapangibabaw na ng modernismo ang takbo ng wika sa ating lipunan. Halimbawa, ang salitang scientist ay walang pangkaraniwang kahulugan sa Filipino. Tulad ng mga ibang salitang Ingles na kagaya nito, nahihirapan ang mga Pilipino na makagawa ng mga gawain na purong Filipino (liban na lamang kung talagang magaling ang isang tao sa mga bagay na tulad nito).



Ang gusto ko lamang ipunto, sana man lamang at bigyan halaga ang ating sariling wika. Gaya nga ng aking nabanggit, malaki ang epekto ng kolonisasyon at modernismo sa pagbuo ng ating wika. Ito ay sa kadahilangang mas binibigyan na ng importansya ang mga banyagang wika -- partikular na ang Ingles. Sabihin na nating malaking bagay na mapag-aralan ang wikang Ingles kung makikisalo ka sa kumpetensyon ng globalismo, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang tuluyan nating talikuran ang ating sariling wika.



Natutuwa pa rin ako sapagkat sa kabila ng lahat, mayroon pa rin mangilan-ngilang Pilipino ang hindi nagsasawang magtaguyod sa pagpapahalaga ng wikang Filipino. Isa na rito ang kahihirang pa lang na Pambansang Alagad ng Sining at Panitikan -- si Dr. Bienvenido Lumbera. Mayroon akong mga nabasang artikulo patungkol sa kanyang mga gawain. At masasabi kong nakatataba ng puso ang labis na pagpapahalaga niya sa ating wika. Sana nga lang, tulad din tayo ni Dr. Lumbera na labis nga na nagmamahal sa sariling wika.



Pagmamahal at pagpapahalaga. Iyan lamang ang tangi kong masasabi upang lalo pang mapalago ang pagbuo ng ating wika -- ang wikang Filipino.



_071406_

jueves, junio 29, 2006

Idiot Students' Worse (or Worst) Nightmare

Ihanda na ang sarili --
ilatag na ang papel
at ang lapis.
Isa. . .
Dalawa. . .
Tatlo.

Hayaan lang itong sumabog.
Ngunit mag-ingat sa mga bakulaw!
Baka lamunin nila ang utak mo.



_062406_

Pag-ibig, o Kamartiran?

I.

Pilitin mo ang sarili
Na ipako ang aninong umaaligid
Sa iyong pagkakakilanlan
Ibuhos ng labis
Ang paghihinagpis sa sintang
Walang ibang silbi sa mundo
Kungdi ang ibigin ng lubos


Isang pagkataong unti-unting
Ibinabaon ng irog mong
Pinapanigan ng mga masasamang elemento
Bukas, bukas ka na magpasiya
Sa kung ano ang gagawin mo.


_061106_


II.

Ipagpasiya ang pagkilatis
Sa lumot ng nakaraan
Ano nga bang pasakit ang dapat
Isaalang-alang, ikandili
Sa pagsupsop ng halina
Ng nadarama
O ang pagsintang iniaalay ng labis
Sa ganid na pagdurusa?


Nawa'y pumangibabaw na
Ang pag-abot sa sarap ng mainit
Na pagnanasa
Sa pagtingala sa anino ng
Kuluwalhatian, nawa'y madama
ang akap ng kabinihan.


_083106_

jueves, junio 08, 2006

my first post. . .

ayun...

test lang po...

at dito nga lang pala makikita ang mga kadramahan ko sa buhay...

yun lang...

*bow* -_-