sábado, agosto 19, 2006

Beam of the Limelight

The silence of your animosity haunts my senses;
its turbulent sound causes me to step out of
the beam of the limelight. Your way of loving me
also means having to look back on the ticklish
life that I used to live.

I love you yet I no longer want to love you
I miss you yet I no longer want to see you

Oh God, why can't I forget thee?
Oh God, how can I show it to thee?
If shadows of malevolence haunts me on and on?

My dreams are getting brighter, as if Monroe's
coming my way. And the exquisiteness of the stars --
thinking I'm one of them, in the midst of constellations.

But wait... there's more!

The silence of your animosity haunts my senses;
its turbulent sound causes me to step out of
the beam of the limelight.

Is there anything that I should ask for?




_080706_

Halik

nilantak ng kahayupan
ang mga pasakit sa ating lalamunan.
sa paghalili ng tamis
ng ating mga labi, anu't ano'y ikinukubli
naman nito ang tigang sa sandali.

sa puntong ito lamang masasaksihan
ang ating dakilang kasaganahan.
bakit kailangan pang magpanggap
kung ang pagsinta ng bawat isa'y
inihuhulma naman ng pusong matiwasay?

pagpapanggap.
pagtigang.

init ng pagsinta.
uhaw na sandali.

magpapatumpik tumpik pa ba?




_080706_

Isang Pagpupugay sa Pakikipagsapalaran kay Kamatayan

"Ligtas na ba ako?"
Oo. Pero huwag kang pakasiguro.

"Tapos na ba kamo?"
Oo. Pero panandalian lamang ang lahat.

"Hindi na ba mauulit ito?"
Oo. Sa ngayon.

Pasakit na pilit nilabanan
Na para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan

Hanga ako.
Ngunit pasensya na, sadyang walang permanente sa mundong kinatatayuan mo.

Takasan mo man ang katapusan,
Anu't ano pa ma'y susundan ka parin ng anino ni kamatayan.

Ayan. Ayan na nga bang sinasabi ko e!

Tik.
Tak.
Tik.
Tak.


Wala na. Ubos na ang oras mo.




_072706_