sábado, septiembre 23, 2006

I'm a Survivor! ;p

YOUR SCORE: 66


What your score means


Jennylyn Mercado -- Isa kang Ultimate Survivor! Congratulations dahil nakamove-on ka na talaga! Wala nang ni katiting na galit o hinanakit sa dibdib mo bagkus kapatawaran and a possible new lovelife in the making. You bid your time para maka-move on. Pinagdaanan mo lahat ng levels of Survival: Mourning Stage, Acceptance, Letting Go, Moving On, and finally Survival Stage. (O diba bongga, may mga stages talaga? Panalo sa research!) And once you've moved on, you finally let go of the past and what matters to you now is your present and future. At dahil dyan, kokontakin ka na ni Mel Tiangco para maisadula ang buhay mo sa "Magpakailanman" upang magsilbing inspirasyon sa ibang tao. Tapos magiging sikat ka na, mai-interview sa S-Files, at magge-guest sa SOP kaduet si Dingdong Dantes/Ruffa Mae Quinto. Syempre later on lalabas ang secret sex video mo at sisikat ito bilang "Tayuman Scandal"
Congratulations! Dahil dyan, kumanta ka ng "I'm a survivor, I'm not gonna give up" habang kumekembot-kembot na kagaya ni Beyonce.




nakanangt0ots!! talaga nga palang nakapagmove-on na ako! at buti naman. DAHIL HINDI SIYA ANG LALAKING PAGAAKSAYAHAN KO NG PANAHON NOH!? HE'S NOT WORTH IT! sana nga lang masaya na siya sa buhay niya ngayon. i thank you. *b0w*






ala lang. papampam lang.





from:

viernes, septiembre 08, 2006

Revelation of My Realization

Letting Go of the Past. . .


Oo. And it's been a while. In fact, magti-3 months na mula nang magbreak kami ni "yun na yun". I must say, that was really a bitter break-up. But that was over. I guess. Was (or is) it really over?

Maybe. Siguro. Baka. Perhaps. Probably. or... Oo?

Hindi ko rin naman maitatanggi sa sarili ko na SOBRA ko talaga siyang minahal. Kahit na sabihin pa natin na "he's not worth it", pero anong magagawa ko... mahal ko eh! (ang martir noh?!) At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, naging ganito ako ngayon. Masakit man isipin (o balikan) yung mga hindi magandang bagay na nangyari sa amin, pero laking pasasalamat ko pa rin sa Itaas na nakilala ko "siya". Anu't ano pa man, isa pa rin siyang malaking biyaya para sa akin.

Oo, aminado ako na martir ako pagdating sa kanya. Pero pag nagmamahal ka kasi ng totoo sa isang tao, yung mga bagay na hindi mo naiisip na magagawa mo e nagagawa mo. Bottomline is, I'VE HAD ENOUGH. It's too much. I have really learned a lot from loving him. So from now on, I can say that IT'S OVER. Memories (good or bad) will still remain in my heart and mind but my feelings, as time passes by, will soon fade away. Tutal napatawad ko naman na siya. Siguro naman sapat na batayan na iyon para tuluyan na akong makapagmove-on. At masaya na rin ako sa kung anong buhay ang meron siya ngayon. As I move towards the future, gagawin ko pa ring batayan ang mga pagkakamali ko para maisatama ang lahat.

Marahil nga ay unti-unti pa ring naghihilom ang sugat. Sa paglipas ng panahon ay haharap ako sa panibagong bukas na masaya at matatag. At higit sa lahat, naging malakas ang kapit ko sa faith ko sa Itaas dahil alam kong sa kabila ng lahat, nandyan lamang Siya sa tabi ko bilang sandigan sa lahat ng bagay.

Sa ngayon, masaya at kuntento ako sa kung anong buhay meron ako. Hindi ko naman minamadali ang lahat eh... kahit na sabihin pa nating iniimpluwensya ako ng ibang tao sa paligid ko. Time will come. And in His time, makikilala ko rin "siya". Pero hindi ko naman sinasarado ang puso ko eh! At least, sa susunod, alam ko na ang gagawin ko, dahil na-realize ko na pinakaimportante pa rin sa lahat ang MAG-ISIP NG MABUTI. Hindi yung padalos-dalos lang. Kasi, kung magpapadalos-dalos ka nga lang, IKAW DIN ANG TALO.

IT'S OVER. And I thank God for that.















(from my journal)

viernes, septiembre 01, 2006

Awit Para sa Kanya (i)

Pagpupuri

I.

Sa simoy ng hangin aking napagtanto
Tunay ngang dakila ang mga biyaya Niyo
Sa pag-agos ng ilog aking nadama
Pusong dalisay at mapagkalinga

Sa pag-ibig Niyo wala nang hihigit pa
Sa pagpupuri, ako ay payapa

*Sambahin ka Panginoong Hesus
Sa kaluwalhatian Niyo
Ako'y lumalapit sa Inyo
Sambahin ka o dakilang Diyos
Ang lahat ay iaalay sa Inyo

II.

Sa pagsibol ng dilim Inyong hinarang
Sakim na puso't kalul'wang hibang
Hindi Ninyo hinayaang kami'y malugmok
Sa kumunoy ng mga pagsubok

Sa pag-ibig Niyo wala nang hihigit pa
Sa tuwina, ako ay payapa


_082706_